Ayon sa nag post na si Lyndife Arciro na tiyahin ng ina ng bata, nag kombulsiyon ang sanggol kung kaya ito itinakbo ng ospital. Nakarating sila sa harapan ng emergency room ng Ospital ng Paranaque, ngunit hindi sila pinapasok sa loob. Hindi rin umano sila inasikaso ng kahit sinong staff o doktor sa nasabing ospital.
Pilit silang nakikiusap na kung maaari ay tulungan sila ngunit tila bingi ang mga frontliners ng Ospital ng Paranaque. Sa kwento pa ni Arciro, napakatagal na nila sa ospital na iyon ngunit dinadaan daanan lamang sila.
Ayon kay Arciro, hindi sila inasikaso sa nasabing ospital dahil ayon daw sa mga staff ay may COVID-19 ang bata. Itinanggi man ito ng ina ngunit hindi umano naniwala ang mga staff. Wala umanong virus ang sanggol at kaya lamang nila sa ospital ay dahil nag kokombulsyon ito.
Pagkastigo ni Arciro, ni hindi man lang umano chineck up ng mga ito ang bata kaya paano nila nasabi na may virus ito. Aniya, kung nais talagang tumulong ng mga ito ay dapat inalam muna nila ang totoo. Namatay umano ang isang munting anghel dahil sa kanilang pambibintang.
Source:Lyndife Anciro
BREAKING IN: Isang Sanggol Patay Matapos Hindi Papasukin Sa Loob Ng Ospital-MAy COVID daw?
Reviewed by nathaniel17
on
May 27, 2020
Rating:
Reviewed by nathaniel17
on
May 27, 2020
Rating:


No comments: