Senador Manny at Jack Ma, Muling Nagsanib Pwersa! Para Sa Second Round Ng Pagtulong!-SALUDO KAMI SA INYO MGA SIR!



Muli na naman nagbigay ng tulong ang magkaibigang Senador Manny Pacquiao at Jack Ma. Sila ay nagbigay ulit ng 50,000 test kits sa dalawang ospital, ang San Lazaro Hospital at Philippine General Hospital sa Maynila.

50,000 na test kits
Nito lang Mayo 14, 2020, ibinigay ng Manny Pacquiao Foundations sa San Lazaro Hospital at Philippine General Hospital ang 50,000 test kits, upang magamit para matukoy at masuri ang mga taong may COVID19.

Advertisement
Ang mga test kits ay galing din sa foundation ng isang chinese na si Jack Ma, kung saan isang matalik na kaibigan ni Senador Pacquiao. Matatandaan na noong buwan ng Marso ay nakapagbigay din sila ng 50,000 test kits dito sa Pilipinas.

Malaking Tulong
Sobrang malaking tulong sa atin ang mga test kits na ibinigay nila Jack Ma at Senador Pacquiao. Marami na rin ang matutukoy kung sino ang positibo sa virus. At dahil dito, makokontrol na rin ang pagdami ng mga positibo.
Advertisement
Alam naman natin na kulang na kulang ang budget ng Pilipinas sa pagbili nitong mga test kits. At lumulobo na rin ang mga nagpopositibo sa COVID19. Kaya ang mga tulong na natatanggap ng Pilipinas sa ay sobrang mahalaga at malaking tulong para sa atin.

Salamat sa kanila
Nakakataba ng puso na nakikita mong maraming taong may mabubuting kalooban na tumutulong sa atin. Isa na rito sila Senador Manny at Jack Ma. Hindi man lang sila nagdalawang-isip na tumulong, lalo na si Jack Ma, na hindi naman siya dugong Pinoy pero talagang ninais pa rin niyang tumulong.

Advertisement
Ayon nga sa post ni Senador Manny sa kanyang twitter, laking pasasalamat nito sa kaibigan na si Jack Ma.

” Thank you Jack Ma and the Jack Ma Foundation for partnering with @MPac_Foundation to provide more testing kits and extraction kits for people all over the Philippines! You are an inspiration to us all during this pandemic.”

May mga pagkakataon talaga na walang imposible kapag lahat tayo ay nagtutulungan. Ika nga nila, walang problema na walang solusyon. Lahat naman may katapusan, kaya lagi natin tatandaan na malaki ang magagawa kapag ang lahat ay nagkakaisa at nagtutulungan.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- gma news


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Senador Manny at Jack Ma, Muling Nagsanib Pwersa! Para Sa Second Round Ng Pagtulong!-SALUDO KAMI SA INYO MGA SIR! Senador Manny at Jack Ma, Muling Nagsanib Pwersa! Para Sa Second Round Ng Pagtulong!-SALUDO KAMI SA INYO MGA SIR! Reviewed by nathaniel17 on May 14, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.